7. “Huwag mong tatalikuran ang mahihirap; magkawanggawa ka, at di ka tatalikuran ng Diyos.
8. Ang pagkakawanggawa'y iangkop mo sa iyong katayuan sa buhay; kung mayaman ka'y magbigay ka nang masagana. Ngunit mahirap ka ma'y magbigay ka rin; huwag kang magpapabaya.
9. Alalahanin mong sa paggawa mo nito'y nag-iimpok ka ng kayamanan na magagamit mo sa panahon ng kagipitan.
10. Hindi lamang ito, ang pagkakawanggawa'y nagliligtas pa sa kamatayan at sa kadiliman.
11. Ang paglilimos ay isang mabuting kaloob para sa karangalan ng Kataas-taasang Diyos.