9. Bakit kami ang pagpapasanin mo nito? Mamamatay ng asawa! Mabuti pa'y magpakamatay ka na rin! Hindi namin gustong ikaw ay magkaanak pa!”
10. Lubhang nalungkot si Sara nang araw na iyon. Umiiyak siyang umakyat sa silid ng kanyang ama. Nais na niyang magbigti, ngunit nagbago ang kanyang isip. “Hindi!” nasabi niya sa sarili. “Hahamakin ng mga tao ang tatay ko kapag ito'y ginawa ko. Tiyak na sasabihin nila sa kanya, ‘Iisa na nga lang ang anak mong babae, nagpakamatay pa dahil sa kapighatian!’ Para kong itinulak ang aking ama sa hukay dahil sa sama ng loob. Mabuti pang hilingin ko sa Panginoon na siya ang kumitil sa aking buhay para hindi na ako kutyain ng mga tao.”
11. Kaya't noon di'y humarap si Sara sa bintana, itinaas ang mga kamay, at nanalangin nang ganito:“Mahabaging Diyos, dapat kang papurihan,marapat dakilain ang iyong pangalan,dapat kang purihin ng lahat ng nilalang.
12. Ang tulong mo ay aking hinihintay, O Panginoon.
13. Iyo ngang iutos na ako ay lumayanang di na marinig ang mga pagkutya.
14. Iyong nababatid na ako'y dalaga,nakasiping na lalaki, kailanma'y wala pa.
15. Dangal ng sarili'y aking naingatan, pati na ang dangal ng aking magulangsa lugar kung saan dinala kaming bihag.Itong aking ama'y walang ibang anak,walang kamag-anak na aking magiging kabiyak.Pitong beses na akong nabiyudakaya ang buhay ko'y wala nang halaga.Kung ang buhay ko'y di mo pa kukunin,iyong ipadama ang habag sa akin,huwag mo nang hayaang ako ay kutyain.”
16. Ang dalangin ni Tobit at ni Sara ay narinig ng Diyos. Noon di'y tinugon niya ang kanilang kahilingan.
17. Isinugo niya ang anghel na si Rafael upang sila'y tulungan. Isinugo ito upang alisin ang katarata sa mata ni Tobit at upang palayain si Sara sa kapangyarihan ng demonyong si Asmodeo, at pagkatapos ay makasal kay Tobias, na anak ni Tobit, sapagkat si Tobias ang may karapatan kay Sara. Samantalang si Tobit ay pabalik sa kanyang tahanan mula sa bakuran nila, si Sara naman, na anak ni Raguel, ay bumababa sa kanyang silid.