Tobit 3:9-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Bakit kami ang pagpapasanin mo nito? Mamamatay ng asawa! Mabuti pa'y magpakamatay ka na rin! Hindi namin gustong ikaw ay magkaanak pa!”

10. Lubhang nalungkot si Sara nang araw na iyon. Umiiyak siyang umakyat sa silid ng kanyang ama. Nais na niyang magbigti, ngunit nagbago ang kanyang isip. “Hindi!” nasabi niya sa sarili. “Hahamakin ng mga tao ang tatay ko kapag ito'y ginawa ko. Tiyak na sasabihin nila sa kanya, ‘Iisa na nga lang ang anak mong babae, nagpakamatay pa dahil sa kapighatian!’ Para kong itinulak ang aking ama sa hukay dahil sa sama ng loob. Mabuti pang hilingin ko sa Panginoon na siya ang kumitil sa aking buhay para hindi na ako kutyain ng mga tao.”

11. Kaya't noon di'y humarap si Sara sa bintana, itinaas ang mga kamay, at nanalangin nang ganito:“Mahabaging Diyos, dapat kang papurihan,marapat dakilain ang iyong pangalan,dapat kang purihin ng lahat ng nilalang.

12. Ang tulong mo ay aking hinihintay, O Panginoon.

13. Iyo ngang iutos na ako ay lumayanang di na marinig ang mga pagkutya.

14. Iyong nababatid na ako'y dalaga,nakasiping na lalaki, kailanma'y wala pa.

Tobit 3