1. Ang nangyaring ito'y labis kong dinamdam. Sa sama ng loob, ako'y napaiyak nang malakas. Tumatangis akong nanalangin nang ganito:
2. Ikaw ay matuwid at makatarungan,O Panginoon, tapat ka sa lahat ng bagay.Ikaw ang hukom ng daigdig na ito.
3. Kaya naman ako'y iyong kahabagan, linisin ako at iyong tulungan,sa mga kasalanan ko'y huwag mong parusahan,sa di sinasadyang mga kamalianat pagkakasala ng aking mga ninuno.
4. Sa pagkakasala nila at paglabag,itong aming lahi'y nabihag at naghirap,maraming namatay nang sila'y dalhing-bihag.Kahit saang bansang aming kinasadlakan,tinutuya kami't pinag-uusapan,nalagay kami sa labis na kahihiyan.
5. Ang mga parusang iyong iginawad,tapat at totoo, sa ami'y nararapatsa mga magulang nami'y angkop na ilapat.Pati na sa amin ang parusa'y dapat pagkat ang utos mo'y di namin tinupad.
6. “Gawin mo sa akin, iyong maibigan,pabayaan mo nang makitil ang buhay,bayaan na akong makabalik sa lupa,masarap pa sa aking ako'y mamayapa.Di ko matitiis na ako'y kutyain,lubhang mabigat na ang aking pasanin.Panginoon, hayaan nang hirap ko'y magwakasat mamahinga ako sa tirahang walang hanggan.Mabuti pa ngayon ang ako'y mamatay, kaysa magtiis pa ng hirap sa buhayna ang naririnig ay mga pangungutya!”
7-8. Nang panahong iyon, sa Ecbatana, Media, ay may isang dalagang ang pangala'y Sara na anak ni Raguel. Pitong ulit na siyang nagpakasal, ngunit bago siya masipingan, bawat mapangasawa niya ay pinapatay ng demonyong si Asmodeo. Isang araw, ininsulto siya ng isang babaing utusan ng kanyang ama. Sabi nito, “Pihong ikaw ang pumatay sa iyong mga naging asawa. Tingnan mo, pito ang naging asawa mo, ngunit wala ni isang nakapagbigay sa iyo ng anak.
9. Bakit kami ang pagpapasanin mo nito? Mamamatay ng asawa! Mabuti pa'y magpakamatay ka na rin! Hindi namin gustong ikaw ay magkaanak pa!”