Matapos ihain ang masasarap na pagkain sa hapag, tinawag ko ang aking anak na si Tobias. “Anak,” ang sabi ko, “Humanap ka rito sa Nineve ng kahit sinong dukhang kababayan nating tapat sa Panginoon. Dalhin mo siya rito at nang makasalo ko. Dalian mo. Hihintayin kita.”