1. Kaya't nanalangin si Tobit,“Purihin ang Diyos na walang hanggan,purihin ang kanyang kaharian!
2. Siya'y nagpaparusa na taglay ang habag;kung tayo ma'y malibing, sa hukay masadlak,muling hinahango niya't binubuhay.Walang makakatakas sa kanyang kapangyarihan.
3. “Kayong Israelita, papurihan ninyo ang Diyossa harap ng mga bansang bumihag sa inyo.
4. Doo'y ipinakita sa inyo ang kanyang kapangyarihan.Siya ay purihin ng bawat nilalangpagkat siya'y ating Panginoon at ating Diyos, ating Ama magpakailanman.
5. “Pinagdusa man kayo dahil sa inyong kasalanan,ngunit kahahabagan din niya kayo, at muling ibabalik sa inyong tahananmula sa mga bansang umalipin sa inyo.