Tobit 12:4-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. “Tamang ibigay mo ang kalahati ng kayamanang taglay mo,” tugon ng kanyang ama.

5. Matapos ang kanilang pag-uusap, tinawag ni Tobias si Rafael, at sinabi rito, “Dalhin mo ang kalahati ng kayamanang dala natin at humayo kang payapa.”

6. Tinawag ni Rafael ang mag-amang Tobit at Tobias at sila'y nag-usap. Sinabi niya, “Salamat sa Diyos! Siya ang purihin natin at dakilain. Ipahayag ninyo sa lahat ng tao ang kanyang ginawa sa inyo. Umawit kayo ng pagpupuri at pasasalamat. Ihayag ninyo't parangalan ang kanyang mga gawa at huwag kayong manghihinawa sa paggawa nito.

Tobit 12