2. “Magkano po ba ang ibabayad ko sa kanya?” tanong ni Tobias. “Kahit na po kalahati ng taglay kong kayamanan ay di ko panghihinayangang ipagkaloob sa kanya.
3. Napakalaki po ng nagawa niyang tulong sa atin—ibinalik niya akong ligtas, ginamot ang aking asawa, dahil sa kanya'y napabalik ang ating salapi, at higit sa lahat, pinagaling kayo. Magkano nga kayang pabuya ang nararapat kong ibigay?”
4. “Tamang ibigay mo ang kalahati ng kayamanang taglay mo,” tugon ng kanyang ama.
5. Matapos ang kanilang pag-uusap, tinawag ni Tobias si Rafael, at sinabi rito, “Dalhin mo ang kalahati ng kayamanang dala natin at humayo kang payapa.”