Sa harapan nila'y ipinaliwanag niya ang kagandahang-loob ng Diyos nang ibalik ang kanyang paningin.Dumating nga ang manugang niyang si Sara, at binati niya ito, “Maligayang pagdating, anak! Purihin ang Diyos sa ginawa niyang ito. Kumusta ang iyong ama't ina? Pagpalain nawa sila at kayo ni Tobias! Maligayang pagdating!”Lahat ng mga Judio sa Nineve ay nagdiwang nang araw na iyon.