Tobit 1:15-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Nang mamatay si Salmaneser at maghari ang anak niyang si Senaquerib, tumigil na ako nang pagpunta sa Media sapagkat naging mapanganib na ang maglakbay papunta roon.

16. Nang panahong namamahala pa si Salmaneser, ako'y nagkakawanggawa at naglilingkod sa aking mga kamag-anak at kababayan kapag sila'y nangangailangan.

17. Pinapakain ko ang mga nagugutom at binibigyan ng damit ang mga walang maisuot. Ang makita kong bangkay sa labas ng Nineve, lalo't kababayan, ay aking inililibing.

Tobit 1