5-6. Iyon ang naging tanggapan ng dalawang hukom ng bayan at doon nagpupunta ang mga taong may usapin. Nang taong iyon, nahalal na hukom ang dalawang matandang pinuno, at ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa kanila: “Lumabas sa Babilonia ang kasamaan sa katauhan ng dalawang matanda na naglilingkod sa bayan bilang mga hukom.”
37. Hindi nagtagal, lumabas sa pinagkukublihan ang isang binata at silang dalawa'y nagtalik.
38. Naroon kami sa isang sulok ng hardin. Pagkakita namin sa kanilang ginagawang kasamaan, lumapit kami.
39. Kahit na nakita namin sila na nagyayakapan, hindi namin napigilan ang lalaki. Higit na malakas siya kaysa amin, kaya't madali niyang nabuksan ang pinto at tumakas.
40. Itong babae ang pinigilan namin at tinanong kung sino ang binatang iyon, subalit ayaw niyang magtapat. Nanunumpa kaming ang aming ipinahayag ay pawang katotohanan.”
41. Sapagkat kinikilala silang pinuno ng bayan at mga hukom pa, pinaniwalaan ng mga tao ang kanilang salaysay at nagkaisang parusahan ng kamatayan si Susana.
42. Dahil dito, malakas na sinabi ni Susana, “Diyos na walang hanggan, nalalaman po ninyo ang lahat ng lihim at nakikita ang lahat ng bagay bago pa mangyari.
43. Alam po ninyo na walang katotohanan ang ibinibintang nila sa akin. Bakit ako papatayin gayong hindi ko naman ginawa ang ibinibintang nila sa akin?”
44-45. Dininig ng Diyos ang kanyang dalangin. Nang si Susana ay dinadala na sa bitayan, isang binatang nagngangalang Daniel ang nilukuban ng Diyos upang magpahayag ng pagtutol.
46. “Ayokong mapabilang sa mga sumasang-ayong patayin ang babaing ito,” sigaw niya.
47. Tinanong siya ng mga tao, “Ano ang ibig mong sabihin, binata?”
48. Tumayo ang binata sa kalagitnaan nila at nagpatuloy ng pagsasalita, “Mga Israelita, hangal ba kayo at hinatulan ninyo ang babaing ito nang hindi muna sinisiyasat at maingat na inalam ang katotohanan?
49. Kailangang ulitin ang paglilitis; walang katotohanan ang katibayang inilahad ng dalawang iyan laban sa kanya.”
50. Nagmamadaling bumalik ang mga tao sa lugar na pinaglitisan. Sinabi ng mga pinuno, “Daniel, dahil binigyan ka ng Diyos ng karunungang gaya ng sa isang pinuno, halika at sumama ka sa amin sa paghatol sa usaping ito.”