28. Kinabukasan, nang magkatipon na sa bahay ni Joakim ang mga tao, dumating ang dalawang hukom. Handa na silang hatulan ng kamatayan si Susana.
29. Sa harapan ng lahat ay ipinag-utos nilang tawagin si Susana, ang anak ni Hilkias at kabiyak ni Joakim.
30. Dumating ang babae, kasama ang kanyang mga magulang, mga anak, at lahat ng kanyang kamag-anak.
31. Si Susana ay napakaganda at napakahinhin.
32. May takip na belo ang kanyang mukha, subalit iniutos ng dalawang masamang hukom na alisin iyon upang pagsawaang tingnan ang kagandahan ni Susana.
33. Lungkot na lungkot namang nag-iiyakan ang pamilya ni Susana, maging ang mga taong naroroon.
34. Tumayo ang dalawang hukom, ipinatong sa ulo ni Susana ang mga kamay nila at ipinahayag ang kanilang mga paratang laban kay Susana.
35. Napatingala na lamang sa langit ang lumuluhang si Susana sapagkat tunay na nananalig siya sa Panginoon.
36. Sinabi ng mga hukom, “Naglalakad kami sa hardin nang pumasok ang babaing ito, kasama ang kanyang dalawang katulong. Isinara niya ang mga pinto ng hardin, saka pinaalis ang mga katulong.
37. Hindi nagtagal, lumabas sa pinagkukublihan ang isang binata at silang dalawa'y nagtalik.