5. Kaya't isang araw, sinabi ng hari, “Daniel, bakit hindi mo sinasamba si Bel?” Sumagot si Daniel, “Sapagkat hindi po ako naniniwala sa mga diyus-diyosang gawa lamang ng tao; ang sinasamba ko po'y ang buháy na Diyos, ang lumalang ng langit at lupa at siyang Panginoon ng buong sangkatauhan.”
6. Nagtanong muli ang hari, “Ang ibig mo bang sabihin ay hindi buháy na diyos si Bel? Hindi mo ba nakikita kung gaano karami ang kinakain niya't iniinom araw-araw?”
7. Tumawa si Daniel at sumagot, “Huwag kayong palinlang, Kamahalan. Iyang si Bel ay putik lamang na binalot ng tanso. Wala siyang anumang kinakain o iniinom.”
8. Nagalit ang hari at ipinatawag ang mga pari ni Bel at galit na sinabing, “Kapag hindi ninyo sinabi sa akin kung sino ang kumakain ng mga pagkaing ito, kayo'y mamamatay.
9. Subalit kung mapatunayan naman ninyong si Bel nga ang kumakain nito, si Daniel ang mamamatay sapagkat sinabi niyang hindi diyos si Bel.”At sinabi ni Daniel sa hari, “Mangyari ang inyong sinabi.”