Si Bel At Ang Dragon 1:17-19 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Pagdating sa templo ay itinanong ng hari, “Sira ba ang mga tatak, Daniel?”Sumagot ito, “Hindi po, Kamahalan.”

18. Nang mabuksan ang pinto, nakita ng hari ang walang lamang hapag at pasigaw siyang nagsabi, “Ikaw ay dakila, Bel! Tunay ngang diyos ka!”

19. Natawa si Daniel at sinabi sa hari, “Bago po kayo pumasok ay tingnan po ninyo ang sahig, at kilalanin ang mga bakas na nariyan.”

Si Bel At Ang Dragon 1