Pahayag 5:12-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

12. Umaawit sila nang malakas,“Ang Korderong pinatay ay karapat-dapattumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan,parangal, papuri at paggalang!”

13. At narinig kong umaawit ang mga nilikhang nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa at nasa dagat, lahat ng mga naroroon,“Ibigay sa nakaupo sa trono, at sa Kordero,ang papuri at karangalan, kaluwalhatian at kapangyarihan,magpakailanman!”

14. At sumagot ang apat na nilalang na buháy, “Amen!” At nagpatirapa ang mga pinuno at nagsisamba.

Pahayag 5