Pahayag 16:7-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. At narinig ko mula sa dambana ang ganitong pananalita,“Oo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!”

8. At ibinuhos din ng ikaapat na anghel ang laman ng dala niyang mangkok sa araw. At ito'y binigyan ng kapangyarihang sunugin ang mga tao sa tindi ng init nito.

9. Nasunog nga sila, ngunit sa halip na magsisi at talikuran ang kanilang mga kasalanan at magpuri sa Diyos, nilapastangan pa nila ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihang magpadala ng ganoong mga salot.

10. Ibinuhos naman ng ikalimang anghel ang laman ng hawak niyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kaharian nito. Napakagat-dila sa kirot ang mga tao,

Pahayag 16