1. Nakita ko rin ang isa pang kagila-gilalas na pangitain sa langit: may pitong anghel na may dalang pitong salot. Ito ang mga panghuling salot sapagkat dito matatapos ang poot ng Diyos.
2. May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos.
3. Inaawit nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero;“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!O Hari ng mga bansa,matuwid at totoo ang iyong mga paraan!