20. Pinatnubayan mo sila ng iyong Espiritu, upang turuan sila ng dapat nilang gawin.Patuloy mo silang pinakain ng manna, at binigyan ng tubig na pamatid uhaw.
21. Apatnapung taon mo silang kinalinga sa ilang,kaya't sa anuman ay hindi sila nagkulang.Hindi nasira ang kanilang mga kasuotan,ni namaga man ang kanilang mga paa sa paglalakad.
22. “Pinasakop mo sa kanila ang mga kaharian at bayan,ang lupaing sakop ni Haring Sihon ng Hesbonat ang lupain ni Haring Og ng Bashan.
23. Pinarami mo ang kanilang mga anak tulad ng mga bituin sa langit.Dinala mo sila sa lupainna ipinangakong sasakupin ng kanilang mga ninuno.
24. Pinasok nga nila at sinakop ang lupain ng Canaan,sa harap nila'y tinalo ang mga Cananeong naninirahan doon.Ibinigay ninyo sa kanila ang kanilang mga hari at ang lahat ng mamamayan sa lupainupang sa kanila'y gawin ang anumang naisin.