Nehemias 11:31-36 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Ang mga angkan namang mula sa lipi ni Benjamin ay nanirahan sa mga bayan ng Geba, Micmas, Ai, Bethel at sa mga kalapit na nayon ng

32. Anatot, Nob, Ananias,

33. Hazor, Rama, Gitaim,

34. Hadid, Zeboim, Nebalat,

35. Lod at Ono at sa Libis ng mga Panday.

36. May mga pangkat ng mga Levita na dating nanirahan sa lupain ng Juda na napasama sa lipi ni Benjamin.

Nehemias 11