7. Lalayuan ka ng lahat ng makakakita sa iyo.Sasabihin nila, ‘Wasak na ang Nineve!Sino ang magmamalasakit sa kanya?Sino ang aaliw sa kanya?’”
8. Nakahihigit ka ba sa Tebez?Siya rin naman ay may ilogna nakapalibot gaya ng isang pader,ang Ilog Nilo na kanyang tanggulan.
9. Pinangunahan niya ang Etiopia at Egipto,walang hanggan ang kanyang kapangyarihan;ang Libya ay kapanalig ng Tebez.
10. Gayunma'y dinala siyang bihag ng kanyang kaaway.Ipinaghampasan sa mga panulukang daan ang kanilang mga anak.Ginapos ng tanikala ang magigiting nilang lalaki,at ang mga ito'y pinaghati-hatian ng mga bumihag sa kanila.