1. Nineve, sinasalakay na kayo!Dumating na ang kapangyarihang wawasak sa inyo.Bantayan ninyo ang mga pader at ang daan!Maghanda kayo para sa labanan!
2. Sapagkat papanumbalikin na ni Yahweh ang kadakilaan ng Israel,gaya noong panahong hindi pa sila nilulusob ng mga kaaway.
3. Naghahanda na silang sumalakay,pula ang mga kalasag ng mga kawal,at pula rin ang kanilang kasuotan.Nagliliyab na parang apoy ang kanilang mga karwahe!Rumaragasa ang kanilang mga kabayong pandigma.
4. Ang mga karwahe'y humahagibis sa mga lansangan,paroo't parito sa mga liwasan;parang naglalagablab na sulo ang mga ito,at gumuguhit na parang kidlat.
5. Pagtawag sa mga pinuno'ynagkakandarapa sila sa paglapit.Nagmamadali nilang tinungo ang pader na tanggulan,upang ilagay ang pananggalang laban sa mantelet.
6. Nabuksan na ang mga pintuan sa ilog,at ang mga tao sa palasyo ay nanginginig sa takot.
7. Ang reyna ay dinalang-bihag,kaya't dinadagukan ng mga lingkod ang kanilang dibdib.Sila'y nag-iiyakan, gaya ng mga kalapating nananaghoy.