7. Madudurog ang lahat ng imahen doon;masusunog ang lahat ng ibinabayad ng mga sumasamba roon.At ang mga diyus-diyosan doon ay mawawasak;sapagkat ang mga ito'y bayad sa mga upahang babae ng mga sumasamba sa mga diyus-diyosan,kaya't iyon ay tatangayin ng kanilang mga kaaway.”
8. Dahil dito'y mamimighati ako at tatangis.Lalakad akong hubad at nakayapak.Mananaghoy akong gaya ng mga asong-gubat,at mananangis na tulad ng mga kuwago.
9. Sapagkat ang sugat ng Samaria ay hindi na gagaling.Ito rin ay kakalat sa buong Juda;papasok sa pinto ng Jerusalemna tirahan ng aking bayang pinili.
10. Huwag ninyong ibalita sa Gat ang ating pagkatalo.Huwag ninyong ipapakita sa kanya ang inyong pagtangis.Sa bayan ng Afra kayo maglupasay.