Mga Taga-Roma 9:13-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ayon nga sa nasusulat, “Minahal ko si Jacob, at kinapootan ko si Esau.”

14. Masasabi ba nating hindi makatarungan ang Diyos dahil dito? Hinding-hindi!

15. Sapagkat ganito ang sabi niya kay Moises, “Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.”

16. Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao.

Mga Taga-Roma 9