Mga Taga-Roma 8:33-36 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

33. Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila?

34. Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin.

35. Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan?

36. Ayon sa nasusulat,“Dahil po sa inyo'y buong araw kaming pinapatay,turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay.”

Mga Taga-Roma 8