Mga Taga-Roma 4:19-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya kahit uugud-ugod na siya, palibhasa'y isandaang taon na siya noon, at ang kanya namang asawang si Sara ay baog.

20. Hindi siya nag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang tumibay sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos.

21. Lubos siyang naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito.

22. Kaya't dahil sa kanyang pananampalataya, siya'y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.

23. Ang salitang “itinuring na matuwid” ay hindi lamang para sa kanya,

Mga Taga-Roma 4