Mga Taga-Roma 16:5-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Ikumusta rin ninyo ako sa iglesyang nagtitipon sa kanilang bahay.Ipaabot din ninyo ang aking pangungumusta sa mahal kong kaibigang si Epeneto na siyang unang sumampalataya kay Cristo doon sa Asia.

6. Ikumusta ninyo ako kay Maria na matiyagang naglilingkod para sa inyo.

7. Ikumusta ninyo ako sa mga kababayan kong sina Andronico at Junia, na nakasama ko sa bilangguan; sila'y kilala ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa sa akin.

8. Ikumusta ninyo ako kay Ampliato na aking minamahal sa Panginoon,

9. kay Urbano, na kamanggagawa natin kay Cristo, at sa mahal kong kaibigang si Estaquis.

10. Ikumusta din ninyo ako kay Apeles na subok ang katapatan kay Cristo, sa pamilya ni Aristobulo,

11. sa kababayan kong si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa sambahayan ni Narciso.

12. Gayundin kina Trifena at Trifosa na mga lingkod ng Panginoon, at sa mahal kong kaibigang si Persida, na tapat na naglingkod sa Panginoon.

13. Binabati ko rin si Rufo na magiting na lingkod ng Panginoon, at ang kanyang ina na para ko na ring ina;

14. gayundin sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapatid na kasama nila.

Mga Taga-Roma 16