Mga Taga-Roma 15:22-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

22. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ako matuluy-tuloy sa pagpunta sa inyo.

23. Ngunit ngayong tapos na ang gawain ko sa lupaing ito, at dahil matagal ko na ring gustong pumunta riyan,

24. inaasahan kong magkikita-kita tayo pagdaan ko riyan papuntang Espanya. Inaasahan ko ring ako'y tutulungan ninyong makarating doon matapos nating magkasama-sama nang sandaling panahon.

Mga Taga-Roma 15