Mga Taga-Roma 12:8-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.

9. Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti.

10. Magmahalan kayo bilang tunay na magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo.

11. Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon.

12. Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin.

13. Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatiran at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

14. Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain.

15. Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis.

Mga Taga-Roma 12