Mga Taga-Roma 12:18-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Hangga't maaari, makisama kayo nang mapayapa sa lahat ng tao.

19. Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

20. Subalit, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”

21. Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Mga Taga-Roma 12