Mga Taga-Roma 1:30-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos, walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang.

31. Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.

32. Nalalaman nila ang utos ng Diyos na dapat mamatay ang mga gumagawa nito, ngunit patuloy sila sa paggawa nito at natutuwa pang makita na ang iba ay gumagawa rin ng ganoon.

Mga Taga-Roma 1