Mga Taga-Galacia 4:8-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

8. Noong hindi pa ninyo nakikilala ang Diyos, kayo'y alipin ng mga diyus-diyosan,

9. ngunit ngayong nakikilala na ninyo ang Diyos, o mas tamang sabihin, ngayong nakikilala na kayo ng Diyos, bakit kayo bumabalik sa mga tuntuning walang bisa at walang halaga? Bakit gusto na naman ninyong paalipin sa mga iyon?

10. May itinatangi kayong mga araw, mga buwan, mga panahon at mga taon!

Mga Taga-Galacia 4