Mga Taga-Filipos 4:13-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

14. Gayunman, ikinagagalak ko ang ginawa ninyong pagtulong sa aking mga paghihirap.

15. Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang nakahati ko sa hirap at ginhawa nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita.

16. Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong.

17. Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala.

Mga Taga-Filipos 4