Mga Taga-Colosas 2:19-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Siya rin ang nagdurugtong ng mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.

20. Kayo'y namatay nang kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng

21. “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”?

Mga Taga-Colosas 2