Mga Panaghoy 5:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ngunit ikaw, O Yahweh, ang hari magpakailanman,ang iyong luklukan ay walang katapusan.

20. Kay tagal mo kaming pinabayaan.Kailan mo kami aalalahaning muli?

21. Ibalik mo kami, O Yahweh,sa dati naming kaugnayan sa iyo!

22. Talaga bang itinakwil mo na kami?Sukdulan na bang talaga ang galit mo sa amin?

Mga Panaghoy 5