Mga Panaghoy 3:7-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas.

8. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin.

9. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumalingay may pader na nakaharang.

10. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay.

11. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay.

12. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan.

Mga Panaghoy 3