Mga Panaghoy 3:61-65-66 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

61. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin.

62. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko.

63. Mula umaga hanggang gabi kanilang panunuya'y walang pasintabi.

64. “O Yahweh, parusahan mo sila, ayon sa kanilang ginawa.

65-66. Pahirapan mo sila, at iyong sumpain;habulin mo sila at iyong lipulin!”

Mga Panaghoy 3