Mga Panaghoy 3:58-62 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

58. “Tinulungan mo ako, Yahweh, at iniligtas mo ang aking buhay.

59. Hindi kaila sa iyo ang kasamaang ginawa nila sa akin; bigyan mo ako ng katarungan.

60. Nakita mo ang kanilang paghihiganti at masasamang balak laban sa akin.

61. “Narinig mo, Yahweh, ang pangungutya nila't mga pakana laban sa akin.

62. Nagsasalita at nag-iisip laban sa akin ang mga kaaway ko.

Mga Panaghoy 3