Mga Panaghoy 3:42-47 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

42. “Kami'y nagkasala at naghimagsik, at hindi mo kami pinatawad.

43. “Sa iyong matinding galit ay hinabol mo kami at walang awang pinatay.

44. Ang galit mo'y tila makapal na ulap na hindi malampasan ng aming mga dalangin.

45. Ginawa mo kaming tambakan ng kasamaan ng sanlibutan.

46. “Kinukutya kami ng aming mga kaaway;

47. nagdaan na kami sa pagkawasak at kapahamakan, naranasan namin ang mabingit sa panganib at manginig sa takot.

Mga Panaghoy 3