Mga Panaghoy 3:4-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Tadtad ng sugat ang buo kong katawan at bali-bali ang aking mga buto.

5. Ibinilanggo niya ako sa kalungkutan at pagdurusa.

6. Isinadlak niya ako sa kadiliman, laging nasa bingit ng kamatayan.

7. Ginapos niya ako para hindi makatakas, pinalibutan ako ng pader na mataas.

8. Nanambitan man ako at humingi ng tulong, hindi niya dininig ang aking dalangin.

9. Susuray-suray ako sa tindi ng hirap, at kahit saan ako bumalingay may pader na nakaharang.

10. Siya'y parang osong nag-aabang sa akin; at parang leong nag-aantay.

11. Hinabol niya ako saka niluray; at iniwang nakahandusay.

12. Iniakma niya ang kanyang pana, at ako ang ginawang tudlaan.

13. Tinamaan ako sa aking puso ng kanyang mga palaso.

14. Buong araw ako'y pinagtatawanan; sa mga kwentuhan ako ay biruan.

15. Pawang kapaitan at kalungkutan ang ipinalasap niya sa akin.

16. Inginudngod niya sa lupa ang aking mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig.

Mga Panaghoy 3