Mga Panaghoy 1:2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)
Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan;lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya.Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.