Mga Kawikaan 7:4-8 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Ang karunungan ay ituring mo na babaing kapatid,at ang pang-unawa nama'y kaibigang matalik.

5. Pagkat ito ang sa iyo'y maglalayo sa babaing mapangalunya,nang di ka mabighani ng matamis niyang pananalita.

6. Ako ay dumungaw sa bintanang bukás,at ako'y sumilip sa pagitan ng rehas,

7. ang aking nakita'y maraming kabataan,ngunit may napansin akong isang mangmang.

8. Naglalakad siya sa may panulukan,ang tinutungo'y sa babaing tahanan.

Mga Kawikaan 7