Mga Kawikaan 31:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ito ang mga payo ni Haring Lemuel ng Massa, mga kawikaang itinuro ng kanyang ina.

2. “Mayroon akong sasabihin sa iyo anak, na tugon sa aking dalangin.

3. Huwag mong uubusin sa babae ang lakas mo at salapi, at baka mapahamak kang tulad ng ibang hari.

4. Lemuel, di dapat sa hari ang uminom ng alak o matapang na inumin.

Mga Kawikaan 31