Mga Kawikaan 28:6-10 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

6. Mabuti na ang mahirap na namumuhay sa katuwiran,kaysa taong mayaman ngunit makasalanan.

7. Ang anak na matalino ay sumusunod sa aral,ngunit ang nakikipagbarkada sa masasama ay kahihiyan ng magulang.

8. Ang kayamanang natamo sa pamamagitan ng patubuanay mauuwi sa maawain at matulungin sa nangangailangan.

9. Ang panalangin ng taong hindi sumusunod sa kautusan ay kasuklam-suklam.

10. Ang tumutukso sa mabuti upang magpakasamaay mabubulid sa sariling pakana,ngunit ang taong may tapat na pamumuhay ay magmamana ng maraming kabutihan.

Mga Kawikaan 28