Mga Kawikaan 27:21-25 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak, ngunit ugali ng tao ay makikilala sa gawa araw-araw.

22. Bayuhin mang parang bigas ang isang taong mangmang, hindi rin maaalis ang kanyang kamangmangan.

23. Ang iyong mga hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.

24. Di mamamalagi ang yaman, ganoon din ang mga nasa kapangyarihan.

25. Putulin muna ang dayami, saka gapasin ang damo sa parang habang hinihintay ang susunod na anihan.

Mga Kawikaan 27