Mga Kawikaan 27:16-18 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

16. Mahirap siyang patigilin, para kang dumadakot ng langis o pumipigil sa hangin.

17. Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan.

18. Ang nag-aalaga sa punong igos ay makakakain ng bunga niyon; ang aliping may malasakit ay pararangalan naman ng kanyang panginoon.

Mga Kawikaan 27