Mga Kawikaan 26:9-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ang isang kawikaan sa bibig ng mangmang, ay tulad ng tinik sa kamay ng lasing.

10. Tulad ng isang namamana ng kahit na sino ang isang taong umupa ng mangmang o lasenggo.

11. Ang taong nananatili sa kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito.

12. Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.

13. Ano ang idinadahilan ng taong batugan? “May leon sa daan, may leon sa lansangan.”

14. Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama.

15. Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.

16. Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.

17. Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.

20. Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

Mga Kawikaan 26