Mga Kawikaan 25:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Kung may alitan kayo ng iyong kapwa, ilihim at lutasin agad at baka lumala.

10. Baka ito ay malantad sa kaalaman ng madla at kayo'y malagay sa kahiya-hiya.

11. Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.

12. Ang magandang payo sa marunong makinig ay higit na di hamak sa ginto o mamahaling alahas.

Mga Kawikaan 25