Mga Kawikaan 25:5-9 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Kapag ang masamang tagapayo'y naalis sa paligid ng hari, ang katarungan ang mamamalagi.

6. Huwag kang magmamataas sa harap ng hari, ni ihanay ang sarili sa mga taong pili.

7. Pagkat mas mabuting sabihin sa iyong, “Halika rito,” kaysa hamakin ka sa harap ng marami.

8. Ang nakita mo'y huwag agad dalhin sa hukuman, baka sa bandang huli'y lumabas ka pang may kasalanan.

9. Kung may alitan kayo ng iyong kapwa, ilihim at lutasin agad at baka lumala.

Mga Kawikaan 25