Mga Kawikaan 25:19-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Ang taksil na pinagtiwalaan sa panahon ng pangangailangan ay tulad ng ngiping umuuga at mga paang pilay.

20. Hapdi ang dulot ng awit sa pusong may sugat, parang asing ikinuskos sa gasgas na balat, parang paghuhubad ng damit sa panahon ng taglamig.

21. Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo at painumin kung siya'y nauuhaw.

22. Sa gayo'y mailalagay mo siya sa kahihiyan at tatanggap ka pa ng gantimpala mula kay Yahweh.

23. Kung paanong ang hanging timog ay nagdadala ng ulan, nagdadala naman ng galit ang paninira ng karangalan.

Mga Kawikaan 25