Mga Kawikaan 25:11-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Kapag angkop sa panahon ang salitang binigkas, para itong ginto sa lalagyang pilak.

12. Ang magandang payo sa marunong makinig ay higit na di hamak sa ginto o mamahaling alahas.

13. Ang sugong tapat ay kasiyahan ng nagsugo sa kanya, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-araw.

14. Ang taong puro pangako lamang ay parang ulap at hanging walang dalang ulan.

15. Sa malumanay na pakiusap pusong bato'y nababagbag, sa pagtitiyaga pati hari ay nahihikayat.

Mga Kawikaan 25